Breaking News

Latest Activities

Reviews

STRADCOM's Clarifications on LTO-RFID Issues

This is an e-mail I received from the office with regards to our LTO-RFID project, which has become more familiar to the people in a variety of ways. The statements below were e-mailed to us to further give everyone correct knowledge and information pertaining to STRADCOM, it's contract with the Land Transportation Office (LTO), and the currently heating issue about the RFID project. Read on!

Mga Paglilinaw mula sa Stradcom

Nitong nakaraang buwan, maraming lumalabas na mga balita at mga isyu sa radio, telebisyon, internet at dyaryo hinggil sa bagong proyekto ng Land Transportation Office (LTO) na tinatawag na RFID o Radio Frequency Identification project, ngunit karamihan sa kanila ay nag-uugat sa kakulangan ng impormasyon o pawang haka-haka lamang. Marami ding negatibong nasulat laban sa Stradcom dahil sa kasalukuyang kontrata nito sa Land Tranportation Office. Marami sa mga nasulat at naibalita ay walang basehan at paninira lamang. Upang mabigyang linaw at mapaliwanag ang katotohanan sa publiko, naririto ang mga kasagutan sa mga isyung nailahad.

Mga isyung binabato laban sa RFID:

1. Magagamit ba ang RFID tag bilang spy chips para malaman ang lokasyon ng bawat sasakyan at iba pang impormasyon tungkol sa may-ari?

Hindi. Ang RFID tag ay walang Global Posititioning System (GPS), isang application na kailangan upang malaman ang kinaroroonan ng bawat sasakyan. Bukod pa rito, ang kaya lang i-trace ng RFID reader ay mga sasakyan na napapaloob sa 10-meter radius kung saan nakatayo ang enforcer na may hawak ng reader. Limitado din ang impormasyon na maaring makuha ng RFID reader. Pawang mga impormasyon na makikita lamang sa Certificate of Registration at Official Receipt ang maaring makuha. Hindi maaring makuha ang impormasyon tungkol sa address, telepono at iba pang personal na impormasyon tungkol sa motorista.

2. Ano ang mga benepisyong makukuha ng mga tao sa pagpapalagay ng RFID tags?

· Maiiwasan nito ang non-appearance o di pagpapakita ng sasakyan sa smoke emission testing.

· Makakapagbigay ng karagdagang seguridad laban sa carnapping.

· Gagawing mas maayos at epektibo ang pagpapatupad ng batas trapiko sa mga lansangan.

· Agad na natutukoy at nalalaman ang mga sasakyang di sumusunod sa mga batas at kautusan ng LTO at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

· Nakikitang solusyon sa mga problema sa polusyon at trapik.

· Maaring tumulong sa pagpigil ng pagnanakaw ng sasakyan or pagpuslit ng mga kontrabandong sasakyan o spare parts.

· Makakapagbigay rin ng karagdagang proteksyon sa mga pasahero dahil mas mabilis nang matutukoy ang mga kolorum sa kalsada.

· Mapapabilis ang pagpapa-rehistro ng mga sasakyan at maaari nang magkaroon ng drive-thru registration sa darating na panahon.

Mga Isyung binabato laban sa Stradcom:

1. Kontrata ng Stradcom sa LTO para sa LTO-IT project

Walang katotohanan ang sinasabi ng iba na nagtapos na ang kontrata ng Stradcom sa Computerization ng LTO noong 2007. Pagkatapos manalo ng Stradcom sa bidding ng LTO noong December 1997 at matanggap ang Notice to Proceed on May 1998, nagkaroon ng bagong administrasyon at nagkaroon ng direktiba mula sa dating Pangulong Estrada upang pag-aralan ang mga flagship projects ng bagong administrasyon. Dahil dito, hindi nakapag-simula ng proyekto noong 1998, naantala [ang proyekto] ng higit isang taon bago nakapagsimula.

Nagkaroon ng bagong kasunduan ang Stradcom at LTO noong June 11, 2001 kung saan nasasaad na ang opisyal na pagsisimula ng Concession agreement ay mangyayari lamang pag natanggap ng Stradcom ang Final Certification of Acceptance of the IT facility (CAIF). Napagkaloob sa Stradcom ang Final CAIF noong February 10, 2003 kaya noon nagsimula ang sampung taon na concession agreement. Sa madaling salita, hindi nagtapos ang kontrata noong 2007 at magtatapos pa lamang ito sa 2013.

2. Build Own and Operate (BOO) Contract ng Stradcom

Sa ilalim ng kontratang Build Own and Operate (BOO) ng Stradcom at LTO, nakapagpatupad ng computerization ang LTO ng walang nilabas na pera ang gobyerno. Sinagot ng Stradcom bilang Kontraktor ng proyekto ang development, operation, maintenance at upgrade ng sistema. Pati ang kuryente na ginagamit ng mga LTO offices para sa computerization system ay binabayran din ng STRADCOM. Mas minabuti ng Land Transportation Office na magkaroon ng BOO agreement sa isang pribadong kumpanya dahil napakalaki ng puhunang kailangan upang bumili ng mga hardware at software applications na kailangan sa computerization ng LTO operations para sa buong bansa. Ayon sa Build Operate and Transfer Law, maaring magpatong ng karampatang singil ang kontraktor upang mabawi ang investment na nilagay sa proyekto ngunit dapat itong aprubahan ng Land Transportation Office.

3. Paninigil ng Interconnectivity Fees

Dapat maunawaan ng publiko na ang interconnectivity fees ay sinisingil ng Stradcom sa mga IT providers ng Insurance Companies, Private Emission Testing Centers at hindi direkta mula sa publiko. Kinailangan ng interconnection facility na maguugnay sa mga insurance companies at private emission testing centers upang matugunan ang problema tungkol sa pagkalat ng mga pekeng insurance policies tulad ng Comprehensive Third Party Liability (CTPL) at mga Certification of Emission Compliance (CECs).

Ang pagkakaroon ng interconnectivity fees ay naayon sa mga iba’t ibang department orders at memorandum circular na pinalabas ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at Land Transportation Office (LTO). Sa kasalukuyan, P30 (vat inclusive) lamang ang kinukuha ng Stradcom bilang interconnectivity fee sa mga PETC IT providers group bilang kabayaran sa pagkonekta sa LTO-IT system.

Makakaasa po ang ating mga motorista na tuluyang pagbubutihin ng STRADCOM ang serbisyong ibinibigay nito. Kitang-kita naman ng ating mga motorista ang ginanda ng serbisyo sa LTO dahil sa computerization project. Napakalaki na ng binilis ng transaksyon sa LTO dahil sa computerization. Ang dating anim na buwan na pagkuha ng lisensiya ay isang oras na lamang at ang dating isang araw na pagpaparehistro ng sasakyan ay ilang oras na lamang.

Sana’y supportahan po ng ating mga mahal na motorista ang higit pang pagpapaganda at pagsasaayos ng sistema sa LTO sa mga darating [pang] panahon.

Para rin sa inyong karadagang kaalaman, may nakalakip na dalawang mahalagang artikulong nalathala sa dyaryo tungkol sa mga naitulong ng LTO-IT Project at ang mga benepisyo ng LTO RFID.

1. Beat the Red Tape - Phil. Star Article, 28Oct2009 by Marichu A. Villanueva

2. Facts and Figures on RFID Car Tags - Phil. Star Article, 20Oct2009 by Federico D. Pascual Jr.


Maraming Salamat po.


Sumasainyo,

STRADCOM Corporation

3 comments:

  1. ok na yan.. english naman ung subject eh. :)

    ReplyDelete
  2. for me its use less..dagdag gastos lng yan ibang paraan para maka hanap ng pundo ang administrasyon para sa election.just think why would they approve it this year when presidential election comes in the next few months?

    ReplyDelete

Share a space of your lane...

Enter your e-mail to receive updates from RunningAtom

Subscribe to RunningAtom

Fitness

Health

The Other Side of my Cerebro

Poetry

Short Story

Technology

Contact Form

Name

Email *

Message *

Designed By Blogger Templates